Kahit magbardagulan na ang ilang netizens dahil sa mga sexy at daring photos ni Kylie Versoza online, kebs naman ito sa kaniyang bashers!

Isang mental health advocate, ito ang tila paalala ng beauty queen-turned-actress sa kaniyang sarili sa isang Instagram post ngayong Sabado.

Suot ang kumikinang na beach ensemble, looking gorgeous pa rin si Kylie sa serye ng larawan tampok ang kaniya pa ring ilang araw nang Boracay trip.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

“Protect your energy 🤍🦋,” palabang caption ni Kylie.

Matapos ang sunod-sunod kasing sexy photos ng aktres sa Instagram kamakailan, ilang konserbatibang netizens na ang nagpahayag ng disgusto sa unapologetic queen.

Ilang masahol na paglalarawan pa ang tinamasa ni Kylie sa walang habas na bashers.

“Usual pokapok post!” sey ng isang netizen na pawang troll ang itsura ng account sa larawan ng aktres suot ang daring white robe.

“Bakit ba tayo naghuhubad? Kasi may taong d nakakita ng worth natin. Been there. Done that,” tila pagbasa na ng isa pang follower sa motibasyon umano ng sexy photos ni Kylie.

To be fair naman kasi, nasa beach ang aktres. Gayunpaman, hindi pa rin ito sapat na dahilan para tuumigil ang ilang mapanintas na netizens.

“Too much..miss int'l .p*kp*k post!”

“Gage pakita monlng pe_e mo wala kng tinago!”

“Back to work sa paghubad hubad?”

“parang hindi Ms.International... parang pa-pokpok na ah!”

Matatandaang nakilala si Kylie sa kaniyang matagumpay na Miss International bid noong 2016. Kilala ang Japan-based brand ng beauty pageant bilang isa sa pinaka-konserbatibo.

Nang sumabak sa kaniyang acting stint, sa ilang pelikula, dito na unti-unting nasilayan ng publiko ang sexy image ni Kylie.

Basahin: Unang DIAFA ni Kylie Verzosa, alay niya sa mga OFW sa UAE, Middle East – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Pagtatanggol naman ng lang fans laban sa bashers ng aktres, walang sinuman ang makapagdidikta sa wardrobe nito. Her clothes, her choice!

“People in the comsec acting entitled and thinking they have a say on what Kylie wears or posts. Yikes 😬!” sey ng isang masugid na fan.

Ngayon, tila wala namang balak pag-aksayahan ng oras ni Kylie ang mga basher. Certified unbothered queen!