Todo-depensa si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa alegasyong malaki umano ang delegasyon ng Pilipinas sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.

Sa panayam ng mga mamamahayag sa Zurich, ipinaliwanag ni Marcos na may kanya-kanyang papel na ginagampanan ang mga bitbit niyang opisyal sa naturang pagpupulong.

“The delegation was large but half of it was private. They came here on their own. They stayed in their own places. They made their own arrangements although they are technically part of the delegation,” paliwanag ni Marcos.

Naglabas ng pahayag si Marcos kasunod na rin ng pagpuna sa kanya ng mga kongresistang miyembro ngMakabayan bloc sa Kongreso.

National

'Julian,' nakalagpas na malapit sa Sabtang Island, Batanes -- PAGASA

Kabilang sa kumuwestiyon sa Pangulo sina Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas at HouseDeputy Minority Leader, ACT party-list Rep. France Castro.

Anila, hindi "katanggap-tanggap" kung "malaki" ang delegasyon ng Pangulo dahil mula sa buwis ng taumbayan ang ginastos ng mga ito.