Umaabot na sa mahigit isang milyon ang nagparehistro na botante para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) ngayong taon, ayon sa pahayag ng Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado.

Sa naturang bilang, 1,024,521 botante ang nagpatala sa pamamagitan ng voter registration mula Disyembre 12, 2022 hanggang Enero 14, 2023 habang 4,691 naman ang nagparehistro sa kanilang Register Anywhere Project (RAP) mula Disyembre 17, 2022 hanggang Enero 20, 2023.

Sa kabuuang bilang, 597,655 ang new registration, kabilang ang 594,919 sa ilalim ng regular registration at 2,736 naman sa RAP.

Kaugnay nito, umaasa ang Comelec na madadagdaganpa ang naturang bilang habang papalapit na ang huling araw ng voter registration.

National

'Julian,' nakalagpas na malapit sa Sabtang Island, Batanes -- PAGASA

Sinimulan ang voter registration noong Disyembre 12, 2022 at matatapos sa Enero 31, 2023.