Kasalukuyang nasa Thailand ngayon sina Kiray Celis at Stephan Estopia para sa selebrasyon ng kanilang 3rd anniversary.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Kiray na ito raw ang first out of the country trip nila dalawa.

"First out of the country namin together! Happy 3rd anniversary, @stephan.estopia!" sey ni Kiray. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Noong Disyembre 2022 ang kanilang 3rd anniversary kung saan nagbigay ng mensahe ang aktres para sa kaniyang minamahal.

“Hindi mo kailangan ng taong kayang ibigay sayo ang lahat. Ang kailangan mo, yung taong kayang iparamdam sayo na mas importante ka sa lahat,” sey nito.

“HAPPY HAPPY 3RD ANNIVERSARY,@stephan.estopia! Pikit po sa mga naiinggit. Lalo na kay…. tag ko na ba? HAHAHAHA! Salamat sa flowers jowa!”

BASAHIN:https://balita.net.ph/2022/12/15/kiray-celis-sa-3rd-anniversary-nila-ng-jowa-pikit-po-sa-mga-naiinggit/