Iniimbestigahan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang insidente ng pagtaboy ng mga tauhan ng China Coast Guard (CCG) sa mga mangingisdang Pinoy sa Ayungin Shoal kamakailan.

Sinabi ni PCG Spokesperson Armando Balilo, nangangalap na sila ng ebidensya na ihaharap sa Department of Foreign Affairs (DFA) para sa posibleng pagsasampa ng diplomatic protest laban sa China.

Aniya, ang insidente ay naganap sa Ayungin Shoal na tinatayang nasa 105 nautical miles kanluran ng Palawan na saklaw pa ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas, nitong Enero 9.

Isinuplong aniya sa kanila ni Lito Al-os, kapitan ng fishing boat na "Ken-Ken" ang pagtaboy sa kanila ng barko ng CCG habang sila ay nangingisda sa lugar.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Matatandaang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na nangako na sa kanya ang China na hindi na nila guguluhin ang mga mangingisdang Pinoy sa nasabing lugar.

Martin Sadongdong