Viral ngayon ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez dahil hinuha ng netizens, siya umano ang tinutukoy na "mystery" ex-girlfriend ni David Licauco.

Naging usap-usapan kasi ng mga marites online ang pareho nilang litrato na kuha sa Korea noong Pebrero 2017.

Dagdag pa ng netizens, naka-follow umano si Sue Ramirez sa mga kapatid ni David.

Sa interbyu naman ng PEP.ph kay David noong 2018, naikuwento ng aktor ang kaniyang naranasang "heartbreak" sa isang Kapamilya actress.

David Licauco, willing makipag-date sa isang fan sa Valentine's Day; netizens, kaniya-kaniyang volunteer?

Aniya, "Taga-ABS siya. So di ko siya kaya. Wala, it’s hard. May love team. Siyempre, at the time, hindi pa ako artista, hindi pa marunong i-handle. Pero siguro now, okay lang."

Dagdag pa niya, "Sobrang umiyak ako nun. Pero siyempre once na-accept mo naman na yung fact kung bakit wala na. Ganun naman yun, eh. Meron akong nakitang quote, sabi, ‘It’s not about moving on, it’s about acceptance."

Narito ang nakakatuwang hirit ng mga fans ng actor:

"I'm so sorry for this commotion, Ms.Sue. I think it's time to let you all know the truth. David and I, were in a relationship before. Yes, ako po yung ex niya. Nagkausap na po kami about this issue, we're all good naman na now. Huwag niyo nalang rin sanang guluhin si Sue. Thank you!"

"Babe, bakit kailangan pa madamay ni Sue sa dati nating relasyon. Alam kong galit ka sa akin. Sorry , that time kasi need ko i-manage ang family business namin kaya kailangan kitang iwan."

"Hello! Nananahimik na po ako and besides napag-usapan na po 'yan namin ni David. Yes we were hurt, we cried, we definitely loved each other, and we moved on. Good thing is we're now both growing on our own ways. I hope I made things clear.

"Ako po talaga ang ex ni David. Sorry Sue kung nadamay ka pa."

"It's been a long time and now I'm breaking the silence, ako po talaga 'yon hehe. Wag niyo na pong idamay si Sue."

Viral  naman ngayon ang reply ni David sa tweet ng isang fan. Ayon sa kaniya, willing siyang makipagdate sa isang fan sa darating na Valentine's Day. 

Samantala, hindi pa buong kumbinsido ang ilang netizens na si Sue Ramirez ang "mystery" ex-girlfriend ni David at wala pang kumpirmasyon ng aktor tungkol dito.