Isa sa mga naging special guest sa "I Am Toni" anniversary concert ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano ay ang Pinoy rapper na si Andrew E, na nagbigay ng hype sa audience ng naturang concert.

Isa sa mga inawit ni Andrew E ay ang "Banyo Queen" na talaga namang sinabayan ng mga manonood.

National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025

https://twitter.com/AndrewE_Dongalo/status/1616447190108622851

"Rocking with Toni G and Alex G here at the jampacked Araneta crowd…!!! Wow!!! Maraming salamat po!!!" saad pa ni Andrew E sa kaniyang tweet.

https://twitter.com/AndrewE_Dongalo/status/1616439620207792146

Ibinahagi pa ng rapper ang isang video clip kung saan makikitang dagsa umano ang mga nanood ng concert ni Toni.

https://twitter.com/AndrewE_Dongalo/status/1616415888399560704

Marami naman ang nagtataka kung bakit sa 20 years daw ni Toni sa industriya ay si Andrew E pa ang napili nitong guest gayong marami na itong nakatrabahong artists.

Si Andrew E ay nakasama ni Toni sa campaign sorties ng UniTeam para sa halalan.