Natimbogng pulisya ang dalawang pulis na dati nang sinibak sa serbisyo dahil sa pagdukot, pagpatay sa isang babaeng online seller sa Nueva Ecija noong 2021.

Nasa kustodiya na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Nueva Ecija Police Office sinadatingPolice Staff Sergeant June Marcelo Mallillin, dating nakatalaga sa Palayan City Police sa Nueva Ecija, at dating Police Master Sergeant Rowen Reyes Martin, dating nakatalaga sa Cabanatuan City Police Station.

Sa Facebook post ng PNP-CIDG, inaresto sina Mallillin at Martin sa Regional Trial Court, Branch 24, Old Capitol Compound, Cabanatuan City nitong Enero 19 ng umaga habang dumadalo sa pagbasa ng hatol ng hukuman sa kasong accessories of the crime of Kidnapping for Ransom with Homicide.

“Nakatanggap ng tawag ang ating mga tauhan sa Nueva Ecija mula sa nasabing korte upang ipaalam na sila ay maglalabas nga ng kanilang hatol laban sa mga akusado. Nagpunta naman agad ang ating tauhan doon, kumuha ng kopya ng Joint Judgment at isinagawa ang pag-aresto,” sabi ni Caramat.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa rekord ng kaso, nagsabwatan ang mga ito sa pagdukot kay Nadia Motalib Casar at sa Grab driver na si Mark Nua Batac sa Sta. Rosa, Nueva Ecija, noong Hulyo 20, 2021.

Pinakawalan ng mga ito si Batac habang ang bangkay ni Casar na sinunog ay natagpuan 13 araw ang nakararaan nang maganap ang pagdukot.