Nananawagan sa gobyerno ang grupongPhilippine Association of Salt Industry Networks(PhilASIN) na suportahan ang maliliit na mag-aasin sa bansa upang hindi tuluyang bumagsak ang industriya.

Sa isang television interview nitong Biyernes, aminado si PhilASIN president Gerard Khonghun, maraming mag-aasin sa bansa ang wala pa ring makinarya para sana sa iodization o paglalagay ng iodine sa kanilang produkto upang labanan ang micronutrient at malnutrisyon sa bansa alinsunod sa Act for Salt IodizationNationwide (ASIN) law.

Iminungkahi nito sa pamahalaan na magtatag ng kooperatiba na tutulong sa mga mag-aasin sa isasagawang iodization.

Pinayuhan din nito ang mga magsasaka o salt farmers na gumawa ng hakbang kung nais nilang bumuo ng kooperatiba.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Matatandaang binatikos ng mga senador ang naturang batas na ipinasa pa noong 1995 at sinabing hadlang pa ito sa pag-unlad ng industriya sa bansa.