Glowing ngayon si Kapuso star Pokwang na may pilyang hirit nga tungkol sa “ex” sa kamakailang Instagram story.

Kalakip ang serye ng kaniyang full-glammed up na larawan, laban na laban ang komedyana para nga ba pasaringan ang dating asawang si Lee O-Brian?

“Nang makita mo pinalit sa’yo ng ex mo. Huh? Akala koba ako na ang chaka? Bwahahahahhaa ang cheap!!!!” mababasa sa matalinhagang caption ng celebrity mom sa kaniyang pak na pak na larawan.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Pokwang, Instagram story

Matatandaang noong Hulyo 2022 nang isiwalat ng kaibigang manager na si Ogie Diaz ang hiwalayan ni Pokwang at Lee noon pang 2021, anim na taon matapos ikasal ang dalawa.

Basahin: Pokwang, asawang afam na si Lee O’brian, hiwalay na rin ayon kay Ogie – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa kabila nito, napanatili umano ng dating mag-asawa ang magandang relasyon bilang magulang ng kanilang anak na si Malia.

Sey pa nga rin noon ni Ogie, wala na raw kay Pokie kung magkaroon man ng bagong lovelife si Lee.

“Ang importante, maganda ang relasyon nila at co-parenting sila para kay Malia,” ani Ogie noon.

Nitong pagpasok ng 2023, isa cryptic post din ang ibinahagi ng Kapuso comedian na tila nagpapahiwatig na ng kaniyang kahandaan sa muling love life.

Kalakip ang kaniyang larawan sa isang Instagram story, may panawagan na ang celebrity mom sa potensyal na suitors.

Pokwang, Instagram story

“Hoy 2023 na!!! Pwede na kayong mag-apply mga papa saan na kayo?”

Tila malalim na hugot naman niya, “Hahahahahaha bawal ang user or manga!!!”

Sa huli, hindi naman makumpirma kung true ngang pasaring sa dating asawa ang mga hirit ni Pokie online lalo pa’t isa rin itong komedyante. Ano sa tingin niyo?

Good luck, Mamang Pokie!