“Napakasagrado” pala umano ang noo'y birthday party ng kontrobersyal na si Alex Gonzaga kung saan ang ilang mga bisita ay namataang wild sa kasiyahan.

Ito ang ibinahagi ni Ogie Diaz kasama sina Mama Loi, Jegz, at Dyosa Pockoh sa latest na showbiz update sa YouTube ngayong Biyernes.

Dito ichinika nga ng showbiz insider na hindi pala umano imbitado si Dani Barretto na siyang source ng viral video ni Alex G, sa naturang birthday celebration nito.

Ang video na tinutukoy ay ang pagpahid ng actress-vlogger ng icing ng cake sa isang waiter na malawakang binatikos ng netizens, at ilang kilalang showbiz at online personalities.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

“Ang sabi sa akin ng isa kong source, ang invited talaga doon ay asawa ni Dani Barretto na nagdi-DJ doon. So sinamahan niya yong asawa niya doon. Syempre sa katuwaan ni Dani Barretto, nahuli niya na ginanun ‘yung cake. Syempre in-IG story [saka] dinelete ni Dani Barretto,” ani Ogie.

Matatandaan pinukol rin ng netizens ang isyu kay Dani na anila’y puno’t dulo raw ng pambabatikos laban kay Alex.

Basahin: ‘Lagot daw?’ Dani Barretto, nadadawit dahil sa isyung kinasasangkutan ni Alex Gonzaga – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Kaya itong si Danni Barretto, nag-iiiyak dahil binomba nang binomba si Alex sa social media, na inokray nang inokray,” pagpapatuloy ni Ogie.

Dagdag ng talent manager, “napakasagrado” umano pala dapat ang nasabing selebrasyon na ang imbitado ay mga piling kaibigan at kapamilya lang ng aktres.

Sa mga kumalat na video online, naispatan sa party ang mga kaibigan at kapwa vloggers ni Alex na sina Zeinab Harake, at Donnalyn Bartolome bukod sa iba pa. Naroon din sina Bayani Agbayani, ang magkasintahang Julia Barretto at Gerald Anderson, bukod sa pamilya ni Alex.

Ani Ogie, wild din umano ang ilang mga naging bisita sa nasabing party.

“Sana walang nagco-cover dahil nagwawala ‘yung ibang mga bisita. Dun lang silang nakakakilos nang walang camera; na lahat magkaka-close. Meron pa ngang time na si Alex ay umakyat pa ng mesa,” sey ni Ogie.

“Sobrang happy that night si Alex. Kaya nga niya hihipan niya na yung cake. Kung mapapansin niyo, tipsy na tipsy si Alex,” pagpapatuloy ng host.

Gayunpaman, nauna nang nilinaw ng kampo ni Alex na hindi umano lasing at sa katunayan ay kaibigan umano ng pamilya Gonzaga ang nasangkot na waiter sa viral video na kinilalang si Allan Crisostomo.

Basahin: Alex Gonzaga, nagsalita na: ‘I will rise from this a wiser and better person’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Humingi na rin ng paumanhin ang TV at online personality sa publiko, lalo na kay Allan, para sa natutunan niyang “hard and important lesson”: ang “humility, kindness and better judgment.”

Basahin: Alex Gonzaga, nagsalita na: ‘I will rise from this a wiser and better person’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid