Inanunsyo ng Manila Water Company nitong Biyernes na mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang bahagi ng Quezon City mula Enero 24-25.

Sa abiso ng nasabing water concessionaire, kabilang sa maaapektuhan ang bahagi ng Barangay Tandang Sora, lalo na sa panulukan ng Banlat Road, Datuin Street at Himlayan Street, at panulukan ng Tandang Sora Avenue at St. Martin Street.

Mararamdaman ang krisis sa tubig dakong 10:000 ng gabi ng Enero 24 hanggang madaling araw ng Enero 25.

Maaapektuhan din ng line maintenance ang bahagi ng Brgy. Culiat, partikular na sa kanto ng Visayas Avenue at Ledesma Street.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Inabisuhan din ng kumpanya ang mga residente na mag-imbak muna ng tubig sa panahon ng service improvement activities.

Humingi rin ng paumanhin ang Manila Water sa mga maaapektuhan ng water supply interruption.

Philippine News Agency

ReplyForward