CAMP Francisco S. Macabulos, Tarlac City -- Arestado sa isinagawang hot-pursuit operation ang pitong indibidwal na mga miyembro umano ng robbery gang.

Nagsimula ang naturang operasyon sa Barangay Santo Domingo 2nd, Capas, Tarlac, at natapos sa Moncada, Tarlac nitong Biyernes, Enero 20.

Nakatanggap ng report ang Capas police ng insidente ng pagnanakaw sa Matias Trucking. Sinabi ng biktima sa pulisya na nakita niya ang mga suspek na nagkarga ng mga nakaw na baterya ng kotse at trak at mga lalagyan ng diesel fuel sa kanilang sasakyan.

Sinalubong ng mga pulis ang mga suspek ngunit pinaputukan sila ng isa sa mga ito kaya naman nagbunsod ito ng habulan na nauwi sa Poblacion 1, Moncada. Gayunman, pumutok ang gulong ng sasakyan ng mga suspek dahil sa tama ng bala ng mga rumespondeng pulis.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Pinaputukan pa ng isa sa mga suspek ang mga pulis kaya naman gumanti ang mga ito at nasugatan ang suspek at nahulog sa semento.

Naaresto ang mga suspek at narekober sa kanila ang isang .38 revolver at mga nakaw na gamit. 

Nakakulong na ngayon ang mga suspek sa Capas MPS at mahaharap sila sa kasong pagnanakaw.