Usap-usapan ngayon ang tila binitiwang patutsada ni Kapamilya actress at dating miyembro ng GirlTrendz na si Dawn Chang hinggil sa isyu ng pamamahid ng icing ni Alex Gonzaga sa isang server, sa surprise birthday party sa kaniya ng mga kaibigan noong Enero 16.

Naganap ang pagbibitiw ng pahayag sa isinagawang press conference para sa "Mars Ravelo's Darna: The TV Series" ng ABS-CBN.

Nagbiro kasi si Eric John Salut na huwag kamuhian ang karakter ni Dawn sa Darna, dahil hindi naman daw ito namamahid ng icing ng cake sa mukha ng iba.

“Uy, hindi ako namumunas ng icing. Hindi ako ganon. Gumagawa ako ng cake pero hindi ako namumunas ng icing sa mukha ng iba," aniya.

Dawn, nagpugay sa mga kapwa kababaihan; bashers, binalikan ang pagpuna kay Toni

Matatandaang sa kasagsagan ng kampanya ay nagpahayag naman ng pagkadismaya si Dawn para sa ate ni Alex na si Toni Gonzaga-Soriano, matapos itong maging host ng proclamation rally para sa UniTeam.