Muling nag-tweet ng kaniyang mensahe para sa International Women's Month ang dating Pinoy Big Brother housemate at miyembro ng GirlTrends na si Dawn Chang.
Kalakip ng kaniyang tweet ang litrato nila ng ilang cast members ng 'Mars Ravelo's Darna: TV Series' na sina Janella Salvador at Iza Calzado, na pawang mga certified Kakampink.
"As a single woman, it is my responsibility to nurture my character. To forgive my past self and unlearn the things that anchor down my growth so my future husband and kids won’t have to deal with the traumas I experienced," ani Dawn.
"Cheers to all the women who take responsibility, and for the bravery to stand up for themselves and others," dagdag pa niya na may hashtags na '#InternationalWomensMonth2022' at '#LetWomenLead'.


Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen sa kaniyang comment section. May mga pumuri at sumang-ayon sa kaniya.
"Very different from a TV host na bulok ang pagkatao because of her endorsed presidentiable."
"Thank you for raising awareness. This is one of the most important goals for single women. Speaking as a married woman and a mother who wasted time on irrelevant things when i was single. Do this, heal, grow. and your family in the future will thank you!"
"Thank you for taking up the burden to fight for our future."
"Well said Dawn, such a woman who can express herself well coz others can't."
"Indeed! Kakampink mo kami sa laban, Dawn!
Sa kabilang banda, may mga basher naman na tumuligsa sa kaniya at binalikan ang pagpuna kay Toni Gonzaga.
"But you don't allow other women to stand for what they believe is right dahil magkaiba kayo ng paniniwala at tingin mo mali siya at tama ka! How contradictory hmmm."
"Pwede ka na din naming i-bash? Ganyan din ginawa mo noon may Toni ah."
"What about Toni G na nag-stood up sa pinaniniwalaan niya?"
"You are trying to be relevant as a woman and you are not a good example to all women out there who backlash their fellow women."
"Yes, I think that's Toni G."
Samantala, wala pang tugon, pahayag, o update si Dawn hinggil sa susunod niyang mga hakbang kaugnay ng demand letter na inihain niya laban kay Cristy Fermin, na hindi naman nagpatinag sa deadline na ibinigay ng kaniyang abogadong si Atty. Ralph Vincent Calinisan.
Sa kabilang banda, naghahanda na raw ang kampo ni Cristy, sa pamamagitan ni Atty. Ferdinand Topacio, sa ihahaing reklamo laban sa abogado ni Chang. Hindi naman nabanggit kung may hiwalay silang demanda laban kay Dawn.
Nag-ugat ang hidwaan sa pagitan ng dalawa nang ipagtanggol ng showbiz columnist si Toni Gonzaga laban sa pagpuna ni Dawn, nang pumayag itong mag-host sa UniTeam proclamation rally noong Pebrero 8, 2022, na ginanap sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.