Usap-usapan ngayon ang ibinahaging Facebook post ng netizen na si "Aina Callo" hinggil sa isang aklat-pambatang nabili ng kaniyang ate sa isang online platform, para sana makatulong sa pag-aaral ng pagbasa ng kaniyang mga pamangkin.

Sa pabalat ng aklat o cover page, wala namang kakatwa o "nakaloloka" sa pamagat. Subalit kung iisa-isahin na ang bawat pahina, dito na matutuklasang tila hindi raw ito dumaan sa proofreading at editing.

Ngunit ang mas nakaloloka, ang kuwento raw sa likod ng alamat ng sayote.

"Maaaars! Hooooy ba't may ganitong mga libro?!" windang na caption ni Aina sa kaniyang Facebook post kahapon ng Miyerkules, Enero 19.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

"Pwede ba ipakulong mga sumusulat ng ganito????"

"Kung pinroofread to, unang sentence palang shoshogbakin na kita!"

"Everytime makakakita ako ng sayote si ateng tinadtad na tlga maaalala ko! Shuta"

"Marami pang kasunod to, sabihan ninyo ako pag ready na tayo mag move on. Hahaha."

Sa panayam ng Balita Online, sinabi ni Aina na nagulat siya sa nilalaman ng aklat-pambata. Pakiramdam daw niya, kailangang may "parental guidance" kung ipababasa ito sa mga bata.

"Actually yung sister ko ang bumili ng book via online platform kasi iniisip niya baka kailanganin ng kids niya sa school. Pero kakaiba ang laman ng alamat hahaha," ani Aina.

"Haha! Noong una eh medyo hirap akong basahin kasi kung mapapansin mo may mga magugulong words na ginagamit. Naaliw din ako noong una pero grabe yung gulat ko sa plot twist! Haha!Nakakatawa pa rin pero parang mali para sa mga bata parang delikado."

Hindi naman tinukoy ni Aina kung sino ang may-akda at publishing house ng nasabing aklat-pambata.