Isa sa mga pinag-usapan nina Ogie Diaz, Dyosa Pockoh, at Tita Jegs sa showbiz vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update" ang kumakalat na tsikang buntis daw si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano, na malapit nang umarangkada sa kaniyang 20th anniversary concert na "I Am Toni".

Napagpustahan pa umano nina Ogie at Mama Loi kung totoo ito, sa January 12 episode ng kanilang vlog.

Naniniwala si Ogie na hindi totoong buntis si Toni, pero ang co-hosts niya ay pumupustang buntis nga ito.

Nauntag ni Ogie si Tita Jegs kung bakit kumbinsidong-kumbinsido itong nagdadalantao nga ang tinaguriang "Most Powerful Celebrity" ng kaniyang mister na si Direk Paul Soriano, sa naging press conference sa pelikula nilang "My Teacher" na kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival o MMFF.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Anang Tita Jegs, isang kaibigan daw niya ang nakakitang tila lumaki ang balakang ni Toni.

"Lumaki lang balakang ni Toni, buntis na?" tanong ni Ogie. "Hindi ba puwedeng napasarap lang ang kain?"

"Pagkain tiyan eh, 'di ba?" sansala naman ni Tita Jegs.

Iginiit ni Ogie na hindi buntis si Toni at lalaban siya sa naging pustahan na tig-10 kiyaw.

Ibinigay ni Ogie sa mga netizen ang paghuhusga kung paniniwalaan ba ang tsikang ito. Sila na raw ang bahalang pakatitigan kung anuman ang mga mababago sa katawan ni Toni, at kung totoo ngang masusundan na ang panganay nila ni Direk Paul na si Seve.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Toni tungkol dito.