Humihirit na ng taas-presyo sa kanilang produkto ang grupo ng mga manufacturer ng sardinas dahil na rin sa tumataas na presyo ng produktong petrolyo.

Sa isang television interview nitong Huwebes ng umaga, nilinaw niCanned Sardines Association of the Philippines executive director Francisco Buencamino, na tatlo hanggang apat na porsyento ang kanilang hinihiling na dagdag na presyo.

Katwiran ni Buencamino, malaki ang gastos sa krudo ng kanilang bangkang ginagamit sa panghuli ng isda.

Apat na taon na aniya ang nakararaan nang huli silang magtaas ng presyo ng produkto.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa ngayon aniya, malaki na ang itinaas ng presyo ng petrolyo.

Sinabi pa ni Buencamino na makatwiran ang kanilang hakbang lalo pa't siyam na buwan lang ang fishing season dahil ang natitirang tatlong buwan ay para sa closed fishing season upang maparami ang populasyon ng isdang tamban.