Ikinuwento ni Kenneth Labrador, isang production designer, ang hindi magandang karanasan niya sa TV personality at vlogger na si Alex Gonzaga.

Aniya sa kaniyang Facebook post, “So I've worked with the Gonzaga sisters twice already as a production designer. Rumors about Alex Gonzaga is real. Bastos siya."

Dagdag pa niya, sa mismong set umano sinitsitan siya ni Alex para ipaabot sa kaniya ang bag nito, hindi niya raw pinansin si Alex dahil nasa isip niya, na siya mismo hindi makapag-utos na parang alalay sa kaniyang assistant.

Narinig naman ng kliyente niya at lahat ng nasa set ang pagsabi ni Alex ng malakas na: "Hoy kuya iabot mo kamo. Naririnig mo ba ako?"

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Matapos malaman ni Alex na si Kenneth pala ang production designer, inirapan raw siya nito. Ibinahagi rin ni Kenneth na sinaway ni Toni ang nakababatang kapatid.

Aniya, "Until one of the art directors told her na ako yung production designer. Inirapan niya ako. She gave a look to two of the sets we made for her as if noong narealize niya it was my design eh biglang nachakahan siya."

"Sinaway siya ng ate niya pabulong. And that was my intro to her. We worked the second time. Binati niya lahat except me and gave me THE LOOK," pagbabahagi niya.

Hindi lang karanasan ni Kenneth ang kumalat sa social media, kundi maging ang isang production staff ay may ibinulgar tungkol sa Alex Gonzaga.

BASAHIN: Prod staff ng dating pelikulang pinagbidahan ni Alex Gonzaga, may ibinunyag tungkol sa kaniya

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Alex Gonzaga tungkol dito.