Kung inuulan ngayon ng batikos ang social media star at TV personality na si Alex Gonzaga kasunod ng umano’y “bastos” nitong pagpahid ng icing ng cake sa isang serbidor sa kaniyang birthday party kamakailan, todo-depensa ngayon ang singer na si Kris Lawrence.

Ito nga ang napansin ng maraming netizens matapos magbigay ng kaniyang saloobin ang singer sa isang istorya kaugnay ng isyu sa Instagram.

Habang kaliwa’t kanan kasi ang pagkondena ang tinatamasa ngayon ni Alex, naniniwala si Kris na “normal” lang ang naging insidente na pawang negatibo namang tinadtad ng netizens.

“People always have something negative to say. Let’s fast forward and after this event that waiter just went viral will probably get ‘somehing’ after and a LOT of sympathy, Most recognition he ever got as a waiter,” viral na komento ngayon ng singer ukol sa isyu.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screengrab via Instagram

Dagdag niya, “So after all the noise, I’m sure he will be grateful that this happened. Looks like people just like to extract the negative out of things instead of positive.”

Hindi nagustuhan ng maraming netizens ang pahayag na ito ni Kris na anila’y “napaka-out of touch” umano sa layo ng simpatya sa sangkot na waiter.

“1. “Most recognition he ever got as a waiter”?????? 2. “Im sure he will be grateful that this happened” ?????? OKAY WOW THIS IS JUST SO OUT OF TOUCH. Iba talaga pag privileged pwedeng apak-apakan ang mga tao 👏🏼👏🏼👏🏼,” pabalik na tirada ng isang netizen kay Kris.

“Yup. After all this controversy and noise is out of the way. Just watch,” agad na sagot ng singer.

Hindi naman makapaniwala ang isa pang Instagram user na tila minumungkahi umano ng singer na tama lang ang ginawa ni Alex sa waiter.

“She was clearly tipsy and it all comes down to intention. She was probably trying to have ‘fun.’ It’s how each one perceives it. For all we know she probably already said sorry. I’m not justifying her actions, but I just don’t agree with everyone making it such a negative thing. It will all turn out Great though - that, I’m sure of. When he goes to work tomorrow…he’ll be ‘the man.’ And it’s not like his life is in danger cuz of some cake on the face,” pagpapaliwanag pa ni Kris para isalba ang naunang pahayag.

Lalo pang nagngalaiti ang maraming netizens sa mahabang hirit pa ng singer.

Matatandaan ang pagbuhos ng simpatya para sa server na kinilalang si "Allan," kasunod ng hindi magandang biro at anila'y "bastos" nang pagtrato ni Alex dito noong kasagsagan ng kaniyang birthday party.

Basahin: ‘Life is very unfair’: Reyalidad sa viral isyu ni Alex Gonzaga, tinimbang ng isang digital creator – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Get off Instagram, Kris! Go back to your trash singing,🥱🗑️🚮” anang isang dismayadong netizen.

Hindi rin epektibo para kumalma ang netizens ang tila “main character” moment ng singer na pawang nais sundan ang yapak ang una nang nasitang public figure pagpasok ng taon.

Paliwanag kasi si Kris, dati rin umano siyang server.

Screengrab via Instagram

“Talaga lang? I wonder if it was you holding the cake as a guest and this was done to you, and everyone was laughing out loud, will you still feel good? Respeto naman po sa kapwa, waiter or not,” nag-aalburutong banat ng isang netizen.

“That was clear pambabastos and you’re okay with that? You got to be kidding me!” banat ng isa pang kritiko ng pahayag ni Kris.

“HE WAS NOT GETTING PAID TO BE HUMILIATED LIKE THAT. THAT WAITER DOESN'T DESERVED TO BE TREATED LIKE THAT. JUSKO 35 YEARS OF EXISTENCE WALA MAN LANG CHARACTER DEVELOPMENT? SIGE JUSTIFY NYO PA KAHIT MALI GINAWA NYA!🤮🤮🤮🤮” pagpupunto ng isa pa.

Sa inabot na batikos, napa-Instagram story na lang singer para ilabas ang hinaing sa isyu.

Kris Lawrence via Instagram story

“So now it’s bad to put cake on someone’s face during a birthday? I thought that was a normal thing,” aniya.

Kris Lawrence via Instagram story

Sunod dito, isang matalinhagang pahayag at tila sagot sa kaniyang kritiko ang ibinahagi rin ng singer.

Screengrab via Twitter

Trending topic sa Facebook at Twitter si Kris kahanay pa rin ng kontrobersyal na si Alex.

Samantala, nananatili pa ring tikom ngayon sa isyu ang TV personality.