Paano magmukhang bata pa rin? Ito ang tanong ng isang netizen kay Chito Miranda na tinugunan naman ng bokalista ng isang witty, nakakaaliw at ngayo’y viral na sagot.

Sa kamakailang Facebook post ni Chito sa isang hotel sa Alabang, isang larawan ang ibinahagi niya matapos ang na-enjoy na breakfast buffet.

Sa edad na 45-anyos, isang netizen naman ang nakapansin sa tila bata pa ring awra ng bokalista dahilan para tanungin na nito ang sikreto ng singer.

“Ano pong sikreto parang hindi natanda?” curious na sey ng isang fan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Walang anu-anong sagot ni Chito: “’Wag ka masyado mag-birthday.”

Laugh trip!

Matapos ma-screenshot at maibahagi sa isang fan page, agad na kumalat ang hirit ni Chito online dahilan para mag-viral ito sa Facebook.

“This is why I love Chito Miranda,” sey ng isang fan.

Tila may sumang-ayon naman at sineryoso nga ang komento ni Chito.

“Parang totoo yan pa 40 na ako di din ako mahilig mag celebrate ng birthday mag thank you lord lang ako sa another year then ordinary na sakin ang birthday normal day lang work or tulog lang,” anang isang netizen.

“Mindset ba mindset!” saad ng isa pa.

Sa pag-uulat, tumabo na ng nasa mahigit 317,000 laughing reactions ang sagot ni Chiton a naghatid in good vibes sa maraming netizens.

Si Chito ay nakilala bilang bokalista ng Pinoy alternative rock band na “Parokya ni Edgar.”

Sa kaniyang mga online post, kilala rin ang singer sa kaniyang bokal na paghanga at pagmamahal sa misis na si Neri Naig, na teyorya rin ng ilang fans ay dahilan nga ng kaniyang youthful glow.