"Pero sa tagal tagal namin magksama, ngayon lang kami nagkaroon ng legit na collab on an original song," ani Chito Miranda.

Sa unang pagkakataon, magkasamang aawit at magpe-perform ng isang orihinal na kanta sina Gary Valenciano at Chito Miranda.

Ito ay sabik na ibinahagi ni Chito sa isang Instagram post.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"I was 8 when I was 1st exposed to the music of Gary Valenciano dahil sa soundtrack ng Bagets."

"I was instantly hooked."

"I was 9 when I personally met him for the 1st time at a family reunion. Sir Gary was there because he and my Aunt Angeli got married…so he became my uncle. I was super starstruck and kept following him around asking stupid questions like "Tito! How'd you come up with this dance step?""

"When Parokya was formed, we were lucky enough na makasabay si Sir Gary sa ilang shows, and sometimes sa ASAP whenever Parokya was invited to perform on the show."

Si Gary rin ay isa sa mga ninong sa kasal ni Chito at ang asawa nitong si Neri. Kaya naman, ani Chito, parte na ng buhay nila si Mr. Pure Energy.

Sa tagal na nilang magkasama, ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkatandem sila para umawit ng isang original song.

Sa serye ng mga larawan na inupload ni Chito, makikita na masaya ang naging collaboration ng Parokya ni Edgar frontman at ni Mr. Pure Energy.

"Thanks Tito @garyvalenciano for giving me the opportunity na gumawa ng kanta kasama mo, at iperform yung song para mga tao that we wrote the song for," ani Chito.

Dagdag pa nito, sabik na siyang mapanuod ng madla ang pinaghandaan nilang kanta.