Pinayuhan ni Darryl Yap ang mga content creator na sina Donnalyn Bartolome at Alex Gonzaga na gayahin na lamang nila ang mga basher nila.

"Yung grabeng mambash kay Donnalyn at kay Alex ay yung mga sumikat galing sa tiktok at twitter; grabe magsalita, parang krimen-levels," saad ni Darryl sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Enero 18.

"Kaya kayo Donnalyn at Alex, gayahin nyo na lang sila, baka yung ginagawa lang nila ang tama—balahurain nyo ang sarili nyo, papangitin nyo, gawa kayo ng mga content na mukha kayong tanga tapos mag-abang kayo ng celebrity na magkakamali o mamaliin—sakyan nyo, gatasan nyo, umasta kayong malinis at mahalaga," dagdag pa ng kontrobersyal na direktor.

Alex G, trending matapos umano’y ‘mambastos’ sa isang server sa kaniyang b-day paandar

Nahaharap ngayon sa kaliwa’t kanang pagkondena ng netizens si Alex  matapos ang umano’y “bastos” na pagtrato sa isang server sa naganap na selebrasyon ng kaniyang kaarawan noong Lunes.

BASAHIN: 

Matatandaang nadawit din ang pangalan ni Donnalyn dahil binalikan ng netizens ang Instagram post nito oong 2019 tungkol sa patotoo nito sa kabaitan ng kaibigang si Alex.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/01/18/patotoo-ni-donnalyn-tungkol-sa-kabaitan-ni-alex-noong-2019-binalikan-ng-netizens/