Nahaharap sa kaliwa’t kanang pagkondena ng netizens ang TV personality at vlogger na si Alex Gonzaga matapos ang umano’y “bastos” na pagtrato sa isang server sa naganap na selebrasyon ng kaniyang kaarawan nitong Lunes.

Nagdiriwang ng kaniyang ika-35 kaarawan ang sikat na Gonzaga kasama ang asawa na si Mikee Morada, malalapit na kaibigan, at online personalities base sa kaniyang serye ng mga Facebook at Instagram stories.

Basahin: LOL! Putol si Alex G: Luis Manzano, binati ang kaarawan ng tropang nagdiriwang ng kaarawan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang dapat sana’y masayang okasyon lang ay nabahiran ngayon ng kontrobersiya dahil sa mabilis na pagkalat ng nasa labintatlong segundong video online.

Gerald Anderson, lumusong sa baha para tumulong sa rescue

https://twitter.com/ricci_richy/status/1614883543771119617

https://twitter.com/vin_cantrophe/status/1614902071110807553

https://twitter.com/Shortee3MEW/status/1614880776314851329

https://twitter.com/pauloMDtweets/status/1614884079220195329

Dito makikita ang aktres, kasama ang mister sa frame, na kinakantahan ng tradisyunal na birthday chant ng kaniyang mga bisita.

Sumunod ang ilang segundo, inihipan ni Alex ang kandila sa kanyang cake, at ang ikinagulat ng lahat—biglang dumakot ng cake ang aktres at walang anu-ano’y ipinahid sa bandang noo ng isang serbidor.

Para sa maraming netizens, “bastos” umano ang naging gawi ni Alex dahilan para kondenahin na siya online. Ilan pa ang nakisimpatya sa anila'y naramdaman ng lalaki sa video sa harap pa ng ilang mga kaibigan ng aktres.

https://twitter.com/Watdahel_MarceI/status/1614934285756280833

https://twitter.com/scorsaguin/status/1614895825246883840

https://twitter.com/aryanapequeno/status/1614795992423071745

https://twitter.com/BonnMalbert/status/1614926806209167363

Maging ang kilalang online digital creator na si Janina Vela ay inilarawan ding hindi katanggap-tanggap ang insidente.

"Siguro mas-acceptable ito kung ka-close mo yung tao, pero dahil sa 'power dynamics' dito —Kuya as the server and Ms. Alex as the served— hindi niya magagawa yun," ani Janina sa tweet kalakip ang viral video.

"Service workers are our equals. It’s their job to serve, but it’s our job to give them the respect they deserve," pagpupunto niya.

https://twitter.com/janinavela/status/1614916498438651905

Trending topic sa Twitter ang “bastos,” ang TV personality at kaniyang mister. Kaliwa’t kanang pagkondena ang patuloy na tinatamo ng online vlogger sa ngayon.

Sa pag-uulat, wala pang tugon si Alex, o ang kaniyang mister ukol sa isyu.