Hindi nakaligtas sa pilyang netizens ang latest post ni Pia Wurztbach kasama ang fiancé na si Jeremy Jauncey sa London.

Sa kaniyang Instagram post nitong Martes, ilang serye ng larawan ang ibinahagi ng Pinay Miss Universe sa isang “cozy night” kasama si Jeremy.

View this post on Instagram

A post shared by Pia Wurtzbach (@piawurtzbach)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Glowing at angat na angat ang ganda ni Pia suot lang ang white robe.

“With or without makeup still stunning,” sey nga ni Miss Eco International 2022 na si Kathleen Paton.

Makikita rin sa larawan ang champagne, at bulaklak na pinagsaluhan ng power couple sa isang premium hotel.

Tila hindi naman makalimutan ng netizens ang viral na hirit kamakailan ni Pia kaya’t naintriga na ang latest post.

Basahin: ‘Joke lang kasi!’ Pilyang ‘hagisan sa bed,’ kinambyuhan na ni Pia Wurtzbach – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Pasimuno pa rito ang aktres at online personality na si Chie Filomeno.

“Ang ganda mo naman mahagis 🥹🥲 char!!! Huhuhu apakagandaaaaa,” anang young star.

Sunod-sunod na mababasa ang parehong pilyang mga komento mula sa maraming followers ni Pia.

“may hagisan na naman mamii HHHHAHAHAHAHHAA”

“Before po ba or after ng hagisan to? 🤪”

“Hindi ako naniniwalang cozy nights lang to!”

“Parang May hagisan na mangyayari😝#hagisanNgUnan!”

“The design if very hagisan mamiii 🔥🔥”

“Post hagisan pic!”

“Nang nag-Savoy si Lord ng kagandahan…”

Samantala, agaw-pansin din sa marami ang youthful pa ring ganda ni Pia kahit na wala itong suot na kolorete sa mukha.

“You legit look like you are in your early 20’s,😍” obserbasyon ng isang netizen.

“Dyusmeh! kaka kunsumi ang kagandahan niyo ni Muning.Sana lagi kayong masaya kasi deserve niyo yun.May God continue to bless both of you!”

“Nang nag-Savoy si Lord ng kagandahan…”

“She looks younger without makeup!”

“Mukha paring baby after all these years😍!”

“Love the natural look!”

“Legit na maganda Kahit walang make up! 😍 at so young looking!!”

Basahin: Pia Wurtzbach, engaged na sa boyfriend na si Jeremy Jauncey – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noong Mayo 2022 nang ianunsyo ng couple sa publiko ang kanilang engagement.