"This is a gay Cinderella story"

Nagdulot ng good vibes sa ilang netizens ang Filipino-American online superstar na si Bretman Rock nang mag-ala 'Ma'am Charo' ito sa kaniyang TikTok account para mag-promote ng kaniyang kauna-unahang libro.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Mula kasi sa pagiging content creator, social media star, at beauty mogul, siya na rin ay isang book author.

Ang title ng kaniyang memoir ay “You’re That Bitch & Other Cute Lessons About Being Unapologetically Yourself.”

Proud niyang ipinakita sa TikTok video ang kopya ng libro habang ginagaya si 'Ma'am Charo' mula sa Maalala mo Kaya.

Aniya sa video, ang libro ay kuwento ng kaniyang buhay na mala-cinderella, nilalaman nito ang kaniyang mga essay, pati na rin ang kaniyang mga never before seen photos noon. Dito rin ay ikinuwento niya kung sino nga ba si Bretman Rock Sacayanan sa likod ng screen at paano siya naging superstar influencer na binansagang 'beloved best friend of the internet.'

"This is a gay cinderella story, hilarious and earnest this collections of essays, how to's and never before seen photos goes far beyond on what we know of Bretman Rock from social media,"

"Who is Bretman Rock Sacayanan behind the screen and how did he become the original superstar influencer and today's beloved best friend of the internet."

Ikinuwento rin ng social media star sa memoir ang kaniyang naging buhay sa Pilipinas noong siya’y bata pa hanggang sa lumipat sa Amerika na nagdala kung nasaan siya ngayon.

"You're that B*tch welcomes you to Bretman Rock's world. How his childhood in the Philippines, his family culture and being first generation immigrant helped him shaped into who he is."

Ang libro ay mabibili sa halagang $29.99 o ₱1647 at ilalabas sa February 14.