Walang habas na pinatulan ng dating “Hashtag” member at dating “It’s Showtime” host na si Nikko Seagall Natividad ang isang basher na pinersonal na ang pagkakatanggal sa naturang Kapamilya noontime show.

Ito ang viral na birada ni Nikko sa isang netizen na inilarawan pa siyang walang kwenta dahilan nga ng pagkaka-elbow sa programa.

“KAYA KAYO TINANGGAL SA SHOWTIME WALA TLGA KAYO KWENTA E,” walang reserbang saad ng isang netizen.

Malinaw namang hindi naman nagustuhan ng aktor, at online personality ang matabil na pananalita ng netizen dahilan para benggahan na ito pabalik.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nikko Natividad/Facebook

“Saka mo na kame i bash pag hindi na mabaho p*p* mo,” ani Nikko.

Viral na aliw ang agad na resulta ng Facebook post ng aktor na kilala sa kaniyang pilyong online antics.

Pagbabahagi pa niya, sinubukan pa umano siyang lokohin ng parehong netizen.

“Tas bigla mag-memesage saken na hindi nya account yun. Sos luma na yun,” aniya.

Nasa mahigit 25,00 laughing reaction na ang naturang post sa pag-uulat.

“Oh my goodness!!! Nikko bravo ganyan talaga dapat sagutan sa mga pa papel na basher, 👏👏” naaliw na komento ng isang tagasuporta.

“Lakas mo talaga..🤣🤣 Kung basher sila mas basher ka pa pla..🤣🤣

“Iba din banat e,yari ka sumbong yan sa mama nya🤣iyak yun acclaccaaaa🤣

“Hayup tawang-tawa ako!”

“Olay portion!”

Si Nikko ay nakilala matapos itanghal na “Gandang Lalaki” noong 2014 sa It’s Showtime.

Matatandaang noong Setyembre 2022, naiulat ang nakatakda umanong pag-oober-da-bakod ng aktor sa Kapuso Network.

Basahin: ‘Hashtag’ Nikko Natividad, mag-oober da bakod na rin sa Kapuso Network? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Wala pang development ang naturang chika ngayong Enero 2023.