Ibinunyag ni John Mark Yap, isang production staff, na masama raw umano ang ugali ng TV personality at vlogger na si Alex Gonzaga.

Aniya sa kaniyang tweet, "As someone who has worked directly with this woman for her first film as a lead, I can personally say na masama talaga ugali ng babaeng ito!"

Dagdag pa niya na halos lahat ng nasa set ay galit umano kay Alex.

"Always the cause of delay sa shooting. Almost everyone on set hated her. She was just nice to me kasi mataas posisyon ko sa pelikula," pagbabahagi niya.

Alex G, trending matapos umano’y ‘mambastos’ sa isang server sa kaniyang b-day paandar

Ikinuwento rin ni John na hindi kanais-nais ang ipinakitang pag-uugali umano ni Alex sa isang kasamahan niya na si Reb Atadero.

"She was even very rude to @rebranger who did a small role in that film when they were at the tent! I’ll let Reb tell that story but I swear, masama talaga ugali niya and everyone on set saw/experienced it," paliwanag niya.

Mababasa naman sa tweet ni Reb na kung hindi ka kilala o famous ay hindi ka bibigyan ng respeto ni Alex.

Aniya, "Kung wala kang pangalan, hindi ka niya bibigyan ng basic respect. Kahit na may eksena kayo, basta’t wala sa kaniya ang camera, pag tapos na ang mga linya niya, bibitaw at iiwan ka sa ere kahit wala pang sumisigaw ng “CUT.”

Pinuri naman ni John si Joseph Marco dahil sa kabaitan nito sa set.

Aniya, "Her leading man, Joseph Marco, on the other hand was literally one of the most humble and nicest people I’ve ever worked with. Never ko nakitaan ng attitude kahit once sa buong time na nagshoshoot kami for weeks."

Samantala, nilinaw naman ni John Mark na ang pinagbibidahan ni Alex na pelikula ay 2016 pa nashoot at naipalabas na ito sa Netflix.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Alex Gonzaga tungkol dito.