Pinangalanan na ni Pangulong Ferdinand “BongBong” Marcos Jr. ang kaniyang mga bagong opisyal nitong Martes.

Ayon sa anunsyo ng Malacanang, itinalaga ni Marcos bilang Chairman ng Commission on Filipino Overseas si Romulo Victoria Arugay.

Si Mario Imperial Molina naman ang inatasan ng pangulong maging Acting Member ng Board of Trustees ng Government Service Insurance System (GSIS).

Samantala, si Joan Masilang Padilla naman ang pinangalanang bagong administrator sa Intramuros Administration na nasa ilalim ng Department of Tourism.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

Hindi binanggit ni Communications Secretary Cheloy Garafil kung nalagdaan na ba ni PBBM ang appointment papers ng tatlo, ayon sa ulat ng Philippine News Agency (PNA).

Mary Joy Salcedo