Aprub para kay Broadyway legend na si Lea Salonga ang alive na alive na hosting pasabog ni Catriona Gray sa nagdaang Miss Universe finale noong Linggo.

Ito ang mababasa sa mismong Instagram comment ni Lea sa kamakailang Instagram update ng Pinay Miss Universe habang pinasasalamatan ang kaniyang naging partner na si Zuri Hall.

View this post on Instagram

A post shared by Catriona Gray (@catriona_gray)

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Matatandaang si Cat kasama ng award-winning Hollywood personality ang nagsilbing backstage host sa prestihiyusong kompetisyon sa New Orleans, Louisiana sa Amerika.

“Got to see part of the evening and YOU KILLED IT!!! So charming, gorgeous and totally on point! Here’s hoping for more opportunities like this for you! How thrilling! Congratulations!!!” sey ni Lea para sa tandem ng girl power hosts.

“@msleasalonga ahh thank you 🥹🥹🥹” kinilig at naantig na reaksyon lang ni Cat.

Maging si Zuri y abot-abot na papuri rin ang nasabi lang sa iconic beauty queen.

“Cat!! 😍 You are so talented & such a light !! Thank you for being such a fun, gracious co-host, my dear ♥️” aniya.

Sa hiwalay na Instagram post ni Cat, isa pa lang “achievement unlocked” ang mapabilang sa all-women hosting panel ng Miss Universe.

As usual, ikina-proud muli ng maraming Pinoy pageant fans ang patuloy pa ring pagiging representative ni Cat ng Pilipinas sa international arena.

Great job, muning!