Ipinanawagan na ni Kapamilya singer Jed Madela sa universe ang hiling na concert tour sa labas ng bansa para sa pagdiriwang ng kaniyang ika-20 anibersaryo sa showbiz industry.

Ito muli ang manipestasyon ng award-winning champion sa isang Facebook post nitong Lunes, Enero 16.

Partikular na bet ng singer ang magtanghal sa ilang bansa sa Asya, Amerika, at Canada.

Pelikula

Sine Singkwenta: ₱50 na movie ticket, handog ng FDCP at MMFF

“Kung love mo pa ako, EUROPE na din!” aniya kalakip ang panawagan na para sa potensyal na producers ng nasabing mga show.

Kamakailan lang, isa ring hiling ang isinapubliko ng singer sa susunod na buwan, isang Valentine concert.

Basahin: Jed Madela, bet mag-Valentine concert, nanawagan ng producers – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noong Agosto 2022, matatandaang ikinaloka ng ilang followers ang isang cyptic post ni Jed. Tila nagpahiwatig kasi umano ang singer noon ng pagreretiro sa showbiz industry.

Basahin: Cryptic post ni Jed Madela, usap-usapan online – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ilang buwan ang nakalipas, balik-inspirasyon naman si Jed na bumuo ng isang album tampok ang new artists.

Basahin: Jed Madela, naghahagilap ng new artists para sa kaniyang bagong album – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kasalukuyang napapanuod si Jed bilang hurado sa segment na “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime” at sa musical variety show na “Asap Natin ‘To.”

Maliban sa pagkanta, si Jed ay isa ring toy collector at producer.

Nakilala ang singer matapos ang kaniyang historic win sa 2005 World Championship of Performing Arts (WCOPA) sa Hollywood California kung saan itinanghal siya bilang kauna-unahang Pinoy na nag-uwi ng titulong “Grand Champion Performer of the World.”