Isa umanong daycare teacher sa General Trias City sa Cavite ang kumubra ng kanyang napanalunang halos₱24 milyong jackpot sa Super Lotto 6/49 draw nitong Disyembre 11, 2022.

Sa abiso ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), personal na tinanggap ng nasabing mananaya ang tsekeng nagkakahalaga ng₱23,971,499 na premyo sa winning combination nito na03-24-07-41-11-16.

“Before Idon’tbelieve in the Lotto, now I can say it is true. I thank the Lord and of course, all the other people betting that made me also bet. I would like to thank PCSO. If it’s God's timing, it will happen to you," sabi ng lotto winner.

Kinaltasan ng 20 porsyentong buwis ang naturang premyo alinsunod na rin saTax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Philippine News Agency