Laugh trip ang hatid ng paraan ng pagbati ni Kapamilya host Luis Manzano sa kaibigan, kapwa host at vlogger na si Alex Gonzaga ngayong Lunes.

Sa larawan kasama ang asawang si Jessy Mendiola, at inang si Vilma Santos, binati ng first-time dad ang matagal nang kaibigan.

Basahin: Luis Manzano, binasag ang basher na umokray sa baby nila ni Jessy Mendiola – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Happy happy birthday to my ate Alex Gonzaga Official ! May all your prayers come true this new year mo,” mababasa sa tila mapusong pag-alaala ni Luis sa espesyal na okasyon.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

‘Yun nga lang, tila sinadyang putol sa nasabing larawan ang birthday girl. LOL!

Umani ng libu-libong laughing reactions ang naturang post ni Luis na hindi nga pinalagpas pa ang pag-gu-good time sa kaibigang nagdiriwang ng kaarawan.

“Happy bday half alex...hehehe ung my birthday kalahati lng ang picture😅🤣❤️❤️love you Alex,” anang isang netizen na napansin nga ang intensyonal na pagkakaputol kay Alex sa litrato.

“Happy birthday Miss #alex half gonzaga🎊🎂🎊🎂,” laugh trip na gatong ng isa pa.

“Asan Ang bday girl sa pic? 😂😂Anyways, Happy birthday Alex♥️🎂 God bless you more!”

Sunod na bumuhos naman agad ang marami pang pagbati sa maraming netizens para kay Alex.

Kilalang matalik na magkaibigan sina Alex at Luis na viral nga sa kanilang nakakatawang online banters.

Ipinagdiriwang ng online star at TV personality ang kaniyang ika-35 kaarawan ngayong Linggo.