Kuwela ang hatid sa maraming netizens ang isang tweet ni Nadine Lustre habang tila ipinaalala ng buhok ni Maricel Soriano sa isang pelikula ang isa niyang iconic nang brand photo.

“I was browsing for Filipino movies tapos nakita ko to… Parang may naalala ako sa hair ni Ms. Maricel,” nakakatawang seryosong tweet ng aktres, Linggo.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

https://twitter.com/hello_nadine/status/1614602639697915904

Bagaman walang partikular na look ng aktres ang ibinahagi niya sa naturang tweet, mabilis namang nangalkal agad ang kaniyang fans dahilan para lumitaw ang isang endorsement photo ng aktres para sa isang phone brand.

@livelikepotter/Twitter

Kapansin-pansin nga sa buhok ni Maricel na pelikulang “The Heiress” ang tila inspirasyon ng noo’y team ni Nadine sa brand photoshoot. Laugh trip!

Agad na katatawanan ang dulot ng tweet ni Nadine na umani ng sari-saring gatong pa mula sa maraming netizens.

“Bakit naman dinogshow ang sarili?” natatawang saad ng isang follower ng aktres.

“Pag napapadaan na jeep ko dun sa standee napapapikit na lang ako,” segundang hirit ng isa pang tweet.

“Dinogshow nanaman ang sarili HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAAHHAHAHA ma anuba!”

“Ang ganda sana ng smile at shot pero yung hair talaga!”

“Si Ms. Maricel talaga ata peg ng team mo dat time Ms Nadine!”

“I was thinking about Michael V. when I 1st saw that pic. When I zoomed it, si Maricel pala! As I started reading the comments, I realized that you have that reference pala to your Oppo pic! I couldn't process what I saw! Hahahaha. Char lang Nadine! 😁💗

Sa huli, naging good vibes naman ang pang-go-goodtime ng aktres sa sarili na anang isang fan ay senyales na “secure” na si Nadine sa mga puntong ito.

“When you can make fun of yourself .. it means you are really secure and unbothered of what others may say. Definitely cool!”

Hindi naman ito kataka-taka lalo pa't ang award-winning actress ay kilala rin sa kaniyang body positivity na adbokasiya.