Bumaba pa sa 4.1 porsyento ang seven-day coronavirus disease 2019 (Covid-19) positivity rate sa bansa.

Ito ay batay sa datos ng OCTA Research Group na ibinahagi ni Dr. Guido David sa kanyang Twitter account nitong Sabado ng gabi.

Naitala nila nitong Enero 14, 2023 ang 4.1 porsyentong positivity rate ng sakit sa bansa o porsyentong mga taongnagpopositibosa virus mula sa kabuuang bilang ng mga taong isinailalim sa pagsusuri.

Mas mababa ito ng isang puntos kumpara sa 4.2% nationwide positivity rate na naitala nitong Enero 13, 2023.

Metro

Sa dami ng nagkakasakit: ER sa ilang ospital sa QC, puno na sa pasyente

Aniya pa, nakapagtala rin ang bansa ng 368 bagong kaso ng sakit nitong Sabado, kaya umabot na sa 4,070,136 ang total cases nito sa bansa.

Sa naturang kabuuang bilang, 12,473 na lamang ang aktibong kaso o nagpapagaling pa sa karamdaman.

Mayroon rin namang 22 mga pasyenteng ang namatay dahil sa sakit, kaya’t umaabot na sa 65,575 ang total COVID-19 deaths na naitala sa Pilipinas. Tatlo aniya dito ay naitala sa National Capital Region (NCR).

Nakapagtala rin naman ang bansa ng 398 bagong recoveries kaya sa ngayon ay nasa 3,992,088 na ang kabuuang nakarekober sa sakit.

Maaari rin aniyangmakapagtalaang bansa ng mula 350-450 bagong kaso ng sakit ngayong Linggo, Enero 15, 2023.1