Binatikos ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. dahil sa planong talakakayin ang panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) sa idadaos na World Economic Forum (WEF) Sa Davos, Switzerland ngayong Linggo.

Sa pahayag ni Pimentel, isa lang taktika ang nasabing plano ni Marcos upang mapuwersa ang Senado na aprubahan ang mungkahing MIF.

Dapat aniyang maging maingat ang gobyerno sa pagsusulong ng hindi pa naaaprubahang MIF bill sa WEF.

Masyado aniyang maaga ang hakbang ng Pangulo kaugnay sa mungkahing MIF.

National

'Julian' malapit nang maging 'super typhoon'; Signal No. 4, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

Nauna nang isinapubliko ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Carlos Sorreta, na balak ilahad ni Marcos ang usapin sa naturang pagpupulong.

Kamakailan, inaprubahan na ng Kamara ang House Bill 6608 na lilikha sa MIF.

Matatandaang ilang beses tinutulan ni Pimentel ang panukala at sinabing magdudulot lang ito ng korapsyon katulad ng nangyari sa Malaysia.