Manaoag, Pangasinan -- Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang patay na lumulutang sa tabi ng ilog Angalacan ng Brgy. Sapang, Sabado.

Sinabi ng Manaoag Police, isang concerned citizen ang nagpaalam sa kanila na natagpuan niya ang bangkay ng isang lalaking palutang-lutang sa tabi ng Angalacan river ng Brgy. Sapang, Manaoag.

Bandang 8:10 am, Sabado, habang naliligo ang concerned citizen sa nasabing ilog, nakita niya ang hindi pa nakikilalang lalaki na nakasuot ng dilaw na polo shirt na may asul na inner sweatshirt, at naka-brief,

Nabatid din ang lalaki na nasa 5'6'' talampakan ang taas, at may katamtamang pangangatawan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Dinala ang biktima sa Manaoag Community Hospital subalit nasa stage na ito ng decomposition ayon sa kanyang attending physician.