Ang Kapamilya singer na mismo na si Jed Madela ang nanawagan para sa mga interesadong producers sa binabalak na Valentine concert sa susunod na buwan.

Ito ang mababasa sa kaniyang verified Facebook post nitong Sabado, Enero 14.

“Parang gusto kong mag-Valentine concert. Hmmm…calling producers!” anang singer.

Pelikula

Sine Singkwenta: ₱50 na movie ticket, handog ng FDCP at MMFF

Ilang fans naman ang positibong nagbigay reaksyon sa online post ng singer.

“Can’t wait! Go, idol!” sey ng isang fan.

“Pa-reserve po ng ticket,” dagdag ng isa pa.

“Go for it! This will be nice Jed!”

“Go!!!💖💖💖You have that beautiful soothing voice perfect for Heart's Day1💖

“ana around metro lng, or Central Luzon para makapunta. Anyway, Go manong!!”

“Oww I can’t wait idol!”

“Marami naloloka sa iyo Jed .. Sino kaya Swerte. Special Valentine Concert sa Future Love mo Jed!”

Noong Agosto 2022, matatandaang ikinaloka ng ilang followers ang isang cyptic post ni Jed. Tila nagpahiwatig kasi umano ang singer noon ng pagreretiro sa showbiz industry.

Basahin: Cryptic post ni Jed Madela, usap-usapan online – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ilang buwan ang nakalipas, balik-inspirasyon naman si Jed na bumuo ng isang album tampok ang new artists.

Basahin: Jed Madela, naghahagilap ng new artists para sa kaniyang bagong album – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kasalukuyang napapanuod si Jed bilang hurado sa segment na “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime” at sa musical variety show na “Asap Natin ‘To.”

Maliban sa pagkanta, si Jed ay isa ring toy collector at producer.

Nakilala ang singer matapos ang kaniyang historic win sa 2005 World Championship of Performing Arts (WCOPA) sa Hollywood California kung saan itinanghal siya bilang kauna-unahang Pinoy na nag-uwi ng titulong “Grand Champion Performer of the World.”