Inaresto ng pulisya ang anim katao matapos umanong maaktuhang naglalaro ng online sabong sa harap ng isang bus station sa Dagupan City, Pangasinan nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang anim na sina Ian Samayo Suyod, 41; Arsan Tolentino Manawat, 36; Armando Ponce Rosario, 66; Kevin Bustamante Tan, 30; Sotero Paulo Galsim Rodas, 52, at Ompi Lopez Ferrer, 34, pawang taga-Dagupan City.

Sa pahayag ng pulisya, nakatanggap umano sila ng impormasyon kaugnay ng pagsusugat ng mga suspek sa harap ng isang bus terminal sa Barangay Herrero-Perez dakong 3:20 ng madaling araw.

Kaagad na rumesponde ang mga tauhan ng Dagupan City Police at naaktuhan ang anim na naglalaro ng online sabong.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nasamsam sa mga ito ang taya na ₱3,000 at cellular phone na ginamit sa pagsusugal.

Ang anim ay nasa kustodiya na ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (illegal gambling).