Nangako ang matinik na point guard ng Ginebra San Miguel na si LA Tenorio na ibibigay na ang lahat ng makakaya sa winner-take-all Game 7 laban sa guest team na Bay Area Dragons upang tuluyan nang maiuwi ang inaasam na kampeonato sa PBA Commissioner's Cup.

Ito ay sa kabila ng iniindang injury na nakuha niya nitong Game 5

Naglaro si Tenorio sa kanilang Game 6 laban sa Dragons nitong Miyerkules kung saan hindi ito naka-iskor na nagresulta sa pagkatalo ng Ginebra, 87-84.

Aniya, pinipilit talaga niyang maglaro upang makatulong sana sa koponan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Matatandaang mintis ang limang pinakawalan ni Tenorio sa laro nila nitong Enero 11.

Naging mabagal aniya ang kanilang panimula sa Game 6 kung saan humabol sila ng 11 puntos bago at nakuha pa nila ang pitong puntos na bentahe sa huling bahagi ng laban.

Gayunman, hindi nila napigilan ang scoring machine ng Bay Area na si Myles Powell na nagpakawala ng sunud-sunod na tres.

Idinagdag pa nito Tenorio na pinaghandaan na nila ang 'do-or-die' Game 7 na gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa Linggo, Enero 15 ng hapon.