Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa 80,000 sakong asukal na sakay ng isang barko mula Thailand sa ikinasang anti-smuggling operation sa Batangas nitong Biyernes, Enero 13.

Ipinaliwanag ni BOC Commissioner Yogi Filemon Ruiz, bawat sako ay naglalaman ng 50 kilo ng refined na asukal na may kabuuang 4,000 metriko tonelada.

Dumating sa bansa ang mga puslit na asukal lulan ngVOI MV SUNWARD at ito ay naka-consign sa Stone Int’l. Co. Ltd.

Ipinadala ito sa bansa ngThe Thai Sugar Trading Corporation na naka-base sa Thailand.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Paliwanag ni Ruiz, isinagawa ang operasyon batay sa intelligence report na natanggap ngCustoms Intelligence and Investigation Service (CIIS) kaugnay sa pagdating sa bansa ng nasabing imported na asukal.

Namataan ng mga tauhan ngCIIS, Customs Police Division-Enforcement and Security Service (CPD-ESS) at Philippine Coast Guard (PCG) ang naturang barko sa bisinidad ng Bauan at Mabini breakwater nitong nakaraang Biyernes.

Nang akyatin ng composite team ang barko, inamin sa kanila ng kapitan nito na si Rosalito Lamoste na dumating sila sa bansa nitong Enero 12.

Inihahanda na ang kaso laban sa consignee ng nasamsam na asukal at sa kapitan ng barko.

Aaron Recuenco