BATANES -- Aksidenteng naisend ng isang babae mula sa Quezon City ang P15,000 sa GCash account ng isang pulis sa Batanes.

Hindi naman nagdalawang isip si Police Staff Sergeant Anselmo H. Gari Jr., ng Sabtang Police Station na ibalik ang P15,000 GCash na aksidenteng naipadala sa kaniya noong Enero 5.

Akala niya noong una ay regalo ito sa kaniya para sa Bagong Taon ngunit kalauna'y nakatanggap siya ng text message na pinababalik ang pera. 

Alam niyang pinaghirapan ang pera kaya naman agad namang tumawag si PSSgt. Gari para kumpirmahin ang tunay na may-ari, pagkatapos ay agad niyang ibinalik ang halaga.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Masaya naman si "Rose" na naibalik ang kaniyang pera.