Dahil na rin sa matinding pagbaha dulot ng matinding pag-ulan, isinailalim na sa state of calamity ang Zamboanga City.

Ayon kay Zamboanga City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) chiefDr. Elmeir Apolinario, ito ay upang magamit ang pondo ng lungsod para sa mga nasalanta ng kalamidad.

Sa panayam sa telebisyon, binanggit ni Apolinario na kumpleto na ang pangangailangan ng mga residente ng Zamboanga sa evacuation centers sa lungsod.

Kapag humupa na aniya ang pagbaha, pababalikin na ang mga bakwit sa kani-kanilang lugar.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Inirekomenda na nila sa city government na bumili ng mga gamot dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng leptospirosis.

Aabot sa 2,540 residente mula sa 13 barangay ang apektado ng pagbaha.

Nauna nang iniutos ni Mayor John Dalipe sa CDRRMO na kumilos upang matugunan ang pangangailangan ng mga residente.