Nagbigay ng reaksiyon at tip na rin ang motivational speaker at social media personality na si Rendon Labador sa naging depensa ng kapwa social media personality na si Donnalyn Bartolome sa pag-ungkat ng mga netizen sa pagkakaroon niya ng sports car na regalo sa kaniya ng mga magulang noong siya ay 16-anyos.

Matatandaang inilahad ni Donnalyn ang kaniyang mga pinagdaanan sa buhay at kung paano siya nagtrabaho noon, matapos mag-viral ang kaniyang "balik-trabaho" post pagkatapos ng holiday season. Pinagmulan na rin ito ng iba't ibang memes.

Nakakaloka dahil binansagan tuloy siya ng mga netizen bilang "patron saint of labor and employment".

Hindi pa rin kumbinsido ang mga netizen sa mga sinabi ni Donnalyn. Isa na rito si Labador na naglapag ng kaniyang komento sa comment section ng Balita Online.

Rendon Labador, may open letter kay Donnalyn Bartolome, iba pang influencers

"TIP: The more na nagsasalita ka the more kang nagkakamali, sarili mo pinapahamak mo lang," ani Labador.

"Aral ka muna para hindi ka mag mukang mali-mali sa socmed."

Screengrab mula sa Balita Online

Hindi ito ang unang beses na nagbigay ng komento si Labador patungkol sa vlogger-actress-singer.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Donnalyn tungkol dito.