Tatlong dating pulis-Quezon ang hinatulan ng korte ng dalawang life imprisonment kaugnay sa pagpatay sa anak ng dating alkalde ng Sariaya sa lalawigan at sa isa niyang kaibigan sa isang police checkpoint sa Tayabas noong Marso 2019.

Sa desisyon ni Lucena City Regional Trial Court Branch 53 Judge Dennis Orendain, napatunayang nagkasala sina datingTayabas City Police Station chief Col. Mark Joseph Laygo, Police Corporal Lonald Sumalpong, at Patrolman Roberto Legaspi sa kasong pagpatay kinaChristian Gayeta, anak ni dating Sariaya, Quezon Mayor Marcelo Gayeta, 21, at kaibigan na si Christopher Manalo.

Sa isang television interview nitong Huwebes, ipinaliwanag ng abogado ng pamilya Gayeta na si Crisanto Buela, bawat isa sa mga akusado ay hinatulan ng dalawang life imprisonment dahil sa pagkakapaslang kina Gayeta at Manalo.

Sa rekord ng kaso, hinarang ng grupo ni Laygo ang dalawang biktima sa isang checkpoint sa isang gasolinahan sa Barangay Baguio, Tayabas, Quezon noong Marso 14, 2019.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Lumaban umano ang dalawa sa mga awtoridad kaya napatay ang mga ito.

Gayunman, lumabas sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI), nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawa nang mapatay ang mga ito.

Matatandaangsinibak sa serbisyo sina Laygo, Sumalpong at Legaspi matapos silang mapatunayan ni dating Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) director Brig. Gen. Edward Carranza , na nagkasala sa kasong administratibo na nag-ugat sa pamamaslang kina Gayeta at Manalo.