Humanga ang mga netizen sa isang aspin na pet dog matapos itong mautusan ng kaniyang furparent na bumili sa isang sari-sari store.

Viral ang uploaded video ni "Langeleca Omasdang" sa kaniyang Facebook post kung saan makikitang ibinalot nila sa leeg ng alagang asong si "Epril" ang perang pambili at papel kung saan nakasulat ang panuto nila sa tindera. Ang pamilya ay naninirahan sa Nabunturan, Davao de Oro.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Makalipas lamang ang ilang minuto ay bumalik si Epril sa kaniyang amo, bitbit-bitbit na ang gatas na pinabili sa kaniya.

"Good job," saad ng furparent sa kaniyang furbaby.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Wow galing naman dapat turuan na magluto at maglinis para libre na kasambahay haha."

"Feeling ko oras na para mag-alaga ng aso, ng may sumunod na sa'yo na hindi nagdadabog hahaha."

"Buti pa yung aso madali utusan… di tulad ng mga anak ko mahirap utusan haha."