Hindi pa mag-iisang taon matapos na lumipat sa GMA si Idol Philippines champion Zephanie Dimaranan, tila hindi natutuwa ang ilang fans ng idol sa tinatamasang exposure nito sa bagong network.

Ito ang mga hinaing na mababasa sa isang YouTube upload ng ">GMA Singers, Miyerkules, tampok ang latest na guest appearance ni Zephanie sa Sunday show na “The Boobay and Tekla Show.”

Habang palaban namang kinanta ni Zeph ang kanyang version sa hit ni Maymay Entrata na “Amakabogera,” ilang fans naman ang may agam-agam sa anila’y “unstable position” umano ng singer sa Kapuso Network.

“Sad ako sa paglipat ni Zeph. Wala siyang segment sa AOS. Pinag-Queendom siya then inalis, Super Champion pawala-wala. She deserves to have a segment na matatag. Nakakahiya lumipat yung tao at pinili ang GMA pero nga nga pala opening lang sinasama palagi? Sana magkaroon siya ng sariling segment like young divas with Golden and Vianna. Nasasayang ang talent ni Zeph,” dismayadong komento ng isang fan.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“I don't know pero ang unstable ng position ni Zephanie sa GMA. Minsan nasa queendom, minsan sa champs, minsan sa sayaw, minsan solo na lang. Parang saan saan na lang tinatapon para di ma out of place, kahit anong performance na lang. Unlike nong sa Asap pa siya, she's always with new gen divas,” segunda ng isa pa.

“Doon sa mga nalulungkot sa treatment daw na binibigay ng GMA at AOS kay Zephanie, ito na lang isipin ninyo: GMA is letting Zephanie explore instead of just packaging her as a PLAIN DIVA and PLAIN BIRITERA, that's why she's been trying new things as a singer and performer, and as a Kapuso. Ginawa na niya dati yung mga birit birit sa pinanggalingan niya pero di naman siya gaano napansin,” dagdag na panlulumo ng masugid na tagahanga ni Zeph.

“GMA7 KAPUSO ALL OUT SUNDAY SHE DESERVES TO DIVA BIRITERA WE WILL PRAY FOR Zephanie TO let her shine ALBUM AT CONCERT PURO PANGAKO SHE DESERVES AND DREAM HOUSE PLEASE LET HER SHINE AMAZING BLESSED IN JESUS NAME AMEN 2023!”

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Cornerstone ang unang Idol Philippines champ.

Noong Setyembre 2022, kasabay ng kontrobersyal na “parinig” umano ni Unkabogable Star” Vice Ganda sa young idol, matatandaang tiniyak ng GMA ang maningning na future pa ni Zephanie sa network.

Basahin: Artist Center ng GMA, tiyak sa lalo pang maningning na future ni Zephanie Dimaranan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Una nang kinilala ni Zephanie na malaking bahagi ng tinatamasang karera ang kaniyang Idol experience noong 2019.

“Masayang-masaya po ako na naging part ‘yun ng life ko and ‘yun po ‘yung isa sa mga reason na nagde-describe kung sino po ako ngayon,” ani Zephanie sa noo'y isang media conference.

“I am who I am today because of what I’ve experienced before,” dagdag niya.

Basahin: Zephanie sa kaniyang naging Idol Philippines journey: ‘Masaya ako na naging part yun ng life ko’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid