Iniimbestigahan na ngOffice of the Ombudsman kung nagkaroon ng sabwatan sa pagitan ng Department of Agriculture (DA) at ng isang kooperatiba sa Nueva Ecija sa pagbili ng sibuyas na aabot sa₱530 kada kilo kamakailan.

“Titignan natin ito ngayon kung merong sabwatan, if there is conspiracy between some officials of the DA at saka itong pribadong sektor," banggit ni Ombudsman Samuel Martires sa isang radio interview nitong Miyerkules.

Sa pahayag ng anti-graft agency kamakailan, iimbestigahan nila ang DA at Food Terminal Incorporated (FTI) kaugnay ng pagbili nila ng sibuyas sa Bonena Multipurpose Cooperative na may tanggapan sa Barangay Curva, Bongabon, Nueva Ecija.

Aniya, sinulatan na nila ang FTI at DA hinggil sa usapin.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

"Ang sinulatan, kung naalala ko doon sa sulat nila, ang sinulatan ng mga imbestigador namin ay si Undersecretary Domingo Panganiban,” paliwanag ni Martires.

Si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang umaaktong kalihim ng DA.

Partikular aniyang iimbestigahanang proseso ng bidding na pinasok ng DA, FTI at nasabing kooperatiba.