Fan ka ng Korean Oppa? Ibahin niyo si Kapuso star Kim Domingo na umabot na sa South Korea ang pagpa-fangirl at nagpaabot nga ng food truck para sa kay Cha Eun-woo kamakailan!

Ito ang makikita nga sa Twitter update ng banda ni Eun-woo na ASTRO nitong Martes kung saan kalakip ng larawan ng aktor at ng ipinadalang food truck ay ipinaabot nito ang kaniyang pasasalamat sa Pinay celebrity.

“Thank you for inspiring us. Cheering on you, Teacher SeoWon! Chaiting!!” mababasa sa personal na mensahe ni Kim sa nasabing food truck.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

https://twitter.com/offclASTRO/status/1612763641157419009

Pagpapasalamat naman ng aktor: “I ate👍👍👍 delicious coffee tea, beef tteokso tteok, and crofl very well. Thank u so much😊 Seowon teacher chaiting!!!”

Ilang Pinoy netizens naman ang natuwa sa paandar ng Kapuso actress na anila’y tinapos na ang pila.

Kabog ang effort, dagdag nila.

Kasalukuyang nasa gitna ng kaniyang taping ang South Korean actor para sa inaabangan nitong upcoming drama, ang “A Good Day to Be a Dog.”

Si Eun-woo ay nakilala sa maraming Korean drama series ang aktor kabilang na ang My ID Is Gangnam Beauty noong 2018, Rookie Historian Goo Hae Ryung noong 2019, True Beauty noong 2021, bukod sa iba pa.