Tila sumasang-ayon ang aktor na si Jake Cuenca sa detalye ng mga paalala sa sarili ni Kapuso star Carla Abellana sa isang online post kamakailan.

Sa sari-saring emosyon na maaaring ihatid ng utak sa isang tao, kung minsan ay napupuno tayo para piliin at kilalanin lang ang mga bagay na tayo lang may kontrol.

Ito nga tema sa paalala ni Lennnie, isang online icon na naghahatid ng mental na pangangalaga sa maraming followers nito. Isa na nga ang Kapuso star na ibinahagi pa kamakailan sa kaniyang Instagram page ang naturang paalala ni Lennnie.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Anang online icon, isantabi ang desperasyon na minsan ay suhestiyon ng utak sa tao.

“Breathe,” maikli ngunit makabuluhaang paalala ni Lennnie.

“Nothing is wrong,” dagdag nito.

“The past doesn’t have a hold on me. The future hasn’t happened yet. And I’m just living in the now. And now is gonna fire,” pagpapatuloy ng online cheerleader.

“I’m fine. I’m okay. And everything is gonna be okay,” dagdag nito.

Sa huli, ipinaalala rin ni Lennnie ang dapat na ipagpasalamat sa “ngayon.”

“I know it’s super hard to be positive all the time and that’s just completely unrealistic but if you find moments to appreciate the now. I’m sure you can find some positivity there.”

Basahin: Daring superstar: Carla Abellana, pinanindigan na ang sexy image; kapwa celebs, nalula! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Maraming followers ni Carla ang naantig sa munting paalala ni Lennnie. Kabilang na nga dito ang kapwa aktor na si Jake Cuenca na nag-iwan pa ng tatlong heart emojis sa naturang IG post ni Carla.

Instagram

“I feel like I needed to see this today, thank you,” saad ng isa pang follower ng aktres.

“Such a beautiful reminder. Thank you for sharing, Carla. I needed to see this.”

“All will be alright in time..sending virtual hugs Miss Carla.❤️”

“Don't worry Miss Carla you're loved..No Matter what😊”

“Praying for you🙏”

Sa ilang mga naging panayam ni Carla noong nakaraang taon, aminado itong patuloy pa ring pinagdaraanan ang naging kontrobersyal na hiwalayan nila ng dating asawa na si Tom Rodriguez.

Basahin: Carla Abellana, naniniwala pa rin sa pag-ibig sa kabila ng dinanas ng puso – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa kabila nito, positibo pa rin ang aktres pagdating sa pag-ibig.